Alternate Select - Smiley Star

Linggo, Enero 13, 2013

Mga Lugar na Pasyalan


       Ang nasa larawan ay tinatawag na Bulkang Mayon o sa ingles ay "Mayon Volcano".Ito ay matatagpuan sa Albay,Bicol dito sa Pilipinas.Sinasabi na ang Bulkang Mayon ay "perfect cone" dahil sa kanyang perpektong hugis.Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS , ang bulkang ito ay aktibo sa pagsabog dahil sa 48 na pagsabog nito.Maganda ang view kapag malayo ka dahil kitang-kita mo ang perpektong hugis nito.

            Ang nasa larawan ay Hundred Island ito ay nasa probinsya ng Alaminos,Pangasinan.Ang islang ito ay mayroong daan-daang mga pulo kaya tinawag na hundred island.250 na kilometro ang layo nito mula sa Manila.Talagang makakapag enjoy kayo kapag pumunta kayo dito.

 
Ang nasa larawan ay Underground River sa Puerto Princesa,Palawan.Nakasama ito sa "New Seven Wonders of the Nature".Ito ay may 8.2 kilometrong haba na ilog na konektado sa dagat.Ito ay may kweba at kapag pumasok ka sa loob ay makikita mo ang kagandahan nito.









 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento